Hapon na nang maihatid ako ni Jako sa bahay ni Tito Diego. Dumaan pa kami sa bayan upang kumain at mag bonding dahil mukhang matatagalan ang aming susunod na pagkikita. Malayo layo rin kasi ang bahay ni Tito at kailangan din mag sideline ni Jako. Nangako na lang kami na babawi sa isa’t isa pagbalik ko sa Bahay ni Lola.
Ala-sais ng umaga nang magising ako sa tunog ng mga sasakyan sa labas. Di tulad sa bahay ni Lola na tahimik at payapa ay maingay at abala ang kapaligiran dito sa lugar ni Tito. Marahil siguro ay dahil na rin malapit ito sa sentro.
Nang makarating ako kahapon ay wala si Tito sa bahay kaya ang kanyang kasambahay lang na si Aling Merly ang sumalubong sa akin. Dito niya ako pinag kwarto sa lumang silid ni Kuya Tonio dahil ito raw ang bilin sa kanya ni Tito. Stay-out si Aling Merly kaya nang makapagluto ng hapunan ay umuwi na rin ito. Pilitin ko man na hintayin si Tito kagabi ay tinamaan na ko ng antok, panigurado ay dahil sa labis na pagod dulot ng mga ginawa namin ni Jako.
Inayos ko ang aking kama at naginat-inat. Puno ng mga kalendaryong may mga babaeng naka lingerie ang kwatro. Sana ay puwede ko tong alisin at sinupin ang kwarto dahil naalibadbaran ako sa tuwing nakakakita ng babaeng nakahubad.
Pagbaba ko ng kusina ay agad kong hinanap si Aling Merly ngunit mukhang wala pa ito. Tanging lagaslas lamang ng tubig mula sa gripo ang maririnig dahil nakabukas ang pintuan ng banyo malapit sa lutuan.
Sumilip ako sa loob ng banyo at laking gulat nang makita si Tito na gloryang nakahubad at sinasabon ang kanyang katawan. Nanigas ang aking kalamnan sa aking nasilayan, bumilis ang pintig ng aking pulso at halos maputol ang pag daloy ng hangin sa aking katawan.
Kasalukuyang sinasabon ni Tito ang kanyang mga braso habang ang kanyang katawan ay binabalot ng sabon at bula. Nakatalikod ito sa akin kaya tanging ang puwetan at mamasel na likuran niya lamang ang aking napagmasdan.
Kahit utusan ko ang aking paa na gumalaw at lumayo ay wala itong nagawa. Para akong na magnet sa anyo ni Tito sa loob ng banyo. Ramdam ko na nag uumpisa nang tumigas ang aking alaga.
Nang maramdaman niyang may tao sa pinto ay humarap ito. Hindi ko na nakita ang harap ng kanyang katawan dahil sa pagkataranta ay agad akong humarap sa lababo at umarteng kunyari ay naghihilamos ng mukha.
“Gising ka na pala, Chino” Bungad ni Tito. Kahit na sa loob siya ng banyo ay malinaw ko pa ‘ring naririnig ang kanyang boses sa kinatatayuan ko. “Maligo ka na ‘rin agad at sa talyer na tayo mag almusal” dugtong niya.
Pinakalma ko ang aking sarili at muling bumalik sa aking kwarto upang kumuha ng damit.
Malaki ang talyer ni Tito Diego, iba’t ibang mga sasakyan ang nakahilera sa kanyang garahe ang kinukumpuni ng kanyang mga tauhan. Marami ring mga kustomer ang nagtatanong ng mga presyo sa kanyang mga produkto. Maaga pa man ay aligaga na ang lahat sa pagbibigay ng serbisyo sa bawat parokyano ng talyer. Si Tito Diego naman ay abala sa pakikipag usap sa kanyang mga taga bantay sa mga kailangan gawin ngayong araw at siya raw ay hapon na makakabalik.
“Chino, iiwan muna kita rito sa talyer para naman malibang ka. Ito nga pala si Kael, ang inaanak ko, suma-sideline siya rito bilang tagapag-bantay. Magkasing-edad lang kayo kaya sa tingin ko ay magkakasundo kayo.” Litanya ni Tito habang inaayos ang mga listahan sa kanyang kamay.
Isang binata ang nakatayo sa kanyang gilid na may hawak ring mga resibo. Halos magkasing-tangkad lang kami. Mas malaman nga lang si Kael at kumpara sa mala gatas kong kutis ay moreno naman sa kanya. Maamo ang mukha ng binata at mukhang masayahin dahil pag tingin pa lang niya sa akin ay todo ngiti na ito. Mukhang mabilis kong makakapalagayan ng loob si Kael, dahil tindig pa lang ay ramdam ko na na pareho kaming berde ang dugo.
“Hi Chino! Ako nga pala si Kael” inabot niya ang kanyang kamay at ngumiti sa akin. Halos mawala na ang kanyang mga mata sa ngiting abot langit.
“Kamusta Kael! Matagal ka na rito?” Tanong ko at gumilid kaming dalawa sa lamesa na pinupwestuhan ni Kael dahil labas pasok ang mga tauhan ni Tito sa daanan.
“O siya, mauna na ko at marami pa kong materyales na kukunin sa sentro. Kael ipaalala mo na lang kay Mutya na bantayan niya ang mga delivery natin mamaya. Kayo na ang bahala rito habang wala ako” Pag singit ni Tito habang abala sa pagsisinop ng kanyang mga papeles. Madalian itong humigop ng kanyang kape at sumakay na sa kanyang pick up.
“Ingat ho, Ninong” Sagot naman ni Kael.
“Isang taon na rin ako nag ta-trabaho dito sa pwesto ni Ninong. Kinukulang kasi sa pang matrikula, mabuti na lamang at hindi nag dalawang isip si Ninong Diego na tulungan ako” Kwento ni Kael habang hinahalo ang kapeng itinimpla niya para sa akin. Inabot niya ito at malugod ko namang tinanggap.
“Mabuti naman kung ganun at makakaipon ka pa bago mag pasukan. Sana maging magkaklase tayo” Ani ko at nginitian siya.
“Sana nga! Pero ngayon na mukhang mapapdalas na ang gawi mo rito, i-iikot muna kita sa talyer ng Tito mo” Suhestiyon ni Kael. Tumayo kaming dalawa na hawak ang aming mga kape at dumiretso sa harap ng talyer.
Doon ay nakita namin ang isang lalaki na walang saplot pang itaas. Putok ang mga masels nito sa katawan at malakas ang appeal dahil sa kanyang tindig na barakong barako. Napatigil kaming dalawa at napatitig lamang sa katawan ng matanda. Kita ko kung paano kaming sabay na napalanuok. Napangiti ako at nagkatinginan kaming dalawa.
“Tama nga ako” “Sabi na nga ba” Sabay naming komento sa isa’t isa at napahagalpak ng tawa.
“Sa wakas ay magkakaroon na rin ako ng BFF!” Mahinang tili ni Kael. Ang taas taas ng kanyang energy. Nagtawanan kaming dalawa at bumalik ang tingin sa matandang nagbubuhat ng materyales pang sasakyan.
“Ang sarap niya, Kael” bulong ko sa kanya.
“Siya si Kuya Dante, may asawa at anak na yan pero tignan mo naman Bff, katakam - takam pa rin. Mabait yan at maasahan ng Tito mo” Litanya ni Kael habang naglalaway naming pinapanuod ang matanda. Kumaway ito sa gawi namin at malugod naman naming nginitian na dalawa.
“Tara na nga Bff at baka matunaw na si Kuya Dante sa katititig natin” tawag ko sa kanya at tumungo na kami sa iba pang parte ng talyer ni tito.
Ipinakilala ako ni Kael sa mga trabahador ni Tito. Mababait naman ang mga ito at palangiti. Kaya rin siguro maraming parokyano ang talyer na ito ay dahil maganda rin ang serbisyo na ibinibigay nila sa tao.
Sa likod ng talyer ay dinala ako ni Kael sa stock room. Puno ito ng mga bagong deliver na materyales. Sa loob ay may isang matipunong lalaking nasa late 20’s na nagbibilang ng mga kagamitan. Matipuno ang kanyang katawan at maangas ang kanyang dating dahil na rin siguro sa semi kalbo niyang gupit.
“Siya si Manuel, este Kuya Manuel” Dulas na saad ni Kael. Tila may lihim na nakatago sa pagtawag niya sa unang pangalan lamang ng barako sa aming harap. Tinaasan ko siya ng kilay at sinenyasan niya ko na itikom ang aking bibig. Mukhang may nangyayaring kababalaghan sa stock room na ito.
“Di tulad ng ibang mga trabahador ay dito sa likod ng talyer naka toka si Kuya Manuel, siya ang namamahala sa mga materyales na ino-order at kailangan i-deliver” Paliwanag niya habang papasok kami sa loob ng stock room.
Agad kaming binati ni Kuya Manuel. Kita ko sa mata ng dalawa ang lagkit ng kanilang tinginan. Kulang na lamang ay magtukaan sila sa harap ko. Sabagay sa barakong pigura at malakas na appeal ni Kuya Manuel ay maging ako ay uradang luluhod dito.
Nang makabalik kami sa harap ng talyer ay narinig namin ang babaeng nagbubunganga sa harap ng mga trabahador. Linyado ang kanyang mga kilay at hindi pantay ang kolorete sa kanyang mukha. Nakataas ang kilay nito habang nakikipag usap sa mga abalang manggagawa.
“At siya naman si Mutya, ang mahaderang bruha ng talyer na ito. Kapatid siya ng asawa ni Ninong Diego. Nakapangasawa ng taga rito at sa tuwing wala ang tito mo ay pakiramdam niya ay siya ang tagapagmana ng negosyong ito” Inis na saad ni Kael.
“Mas mukha pa siyang bakla sa atin” Dagdag ko at pinigilan ang sarili sa pagpapakawala ng malakas na tawa.
“Sinabi mo pa! At alam mo ba, hintod din yang babaeng yan dahil ilang beses kong nakikita kung paano niya akitin si Ninong Diego. Akala niya naman ay papatulan siya, e yung mga trabahador nga rito diring diri sa kanya. Pag nalaman talaga yan ng Tita mo ay baka makaladkad yan ng sabunot” Tingin pa lamang ay umiinit na ang ulo ni Kael sa presensya ni Mutya.
“Matanong ko lang BFF, bakit pala wala pa rin si Tita hanggang ngayon? Ang akala ko ay may inaayos lang siya sa probinsya” Nagtatakang tanong ko kay Kael. Lagpas isang buwan na ko rito sa San Luis ngunit ni anino ng asawa ni Tito Diego ay di ko pa rin nakikita.
“Nako BFF, ayoko naman na sa akin pa mang galing pero” Huminga ito nang malalim at tila pinag iisipan kung sasabihin niya ba ang kanyang nalalaman o hahayaan na sa iba ko na lang ito marinig.
“Wag mo kong bitinin, BFF. Ngayon na magkaibigan na tayo, panigurado ay sanggang dikit na tayong dalawa lalo na at parehas tayo ng gusto” Pag pilit ko sa kanya.
“Sige na nga! Ang usap usapan kasi rito ay hindi totoong mangingibang bansa ang Tita mo kaya sa siya umuwi sa kanila. Ang totoo raw ay may kinakasama na ito sa probinsya kaya siya pinalayas ng Tito Diego mo” Mainit init na kuwento ni Kael. Kung totoo man ito ay sa tingin ko kailangan na maghanap ni Tito Diego ng bagong asawa. Napangiti tuloy ako sa tukso na bumubulong sa aking isipan.
Mabilis na tumakbo ang oras sa shop. Sa daldal at taas ng energy ni Kael ay walang minuto na nabagot ako sa pakikipag usap sa kanya. Umamin din siya na ilang beses na may nangyari sa kanila ni Kuya Manuel sa stock room tuwing abala ang lahat sa harap ng Talyer. Mukhang may makaka kompetensya pa nga ako rito sa San Luis.
Bukod sa tawanan ay tinuruan rin ako ni Kael sa mga gawain sa Talyer. Itinuro niya sa akin ang mga presyo ng materyales at serbisyo na inaalok ng shop. Tinuruan niya rin ako kung paano makipag usap sa mga kustomer at kung paano lalaruin ang mga presyo.
Kinahapunan ay sabay kaming umuwi ni Tito Diego sa kanyang bahay.
Bakas sa mukha ni Tito na hindi naging maganda ang kanyang araw dahil matalim ang tingin nito sa daan at hanggang makarating ng bahay ay seryoso ang mukha nito. Nang maiparada niya ang sasakyan ay huminga ito nang malalim na nag udyok sa akin na siya ay tanungin.
“Ayos lang ho ba kayo, Tito?” Nahihiya man ay nilakasan ko ang aking loob na kamustahin siya.
“Nagkaproblema sa transaksyon kanina kaya di ko maiwasang uminit ang aking ulo. Pasensya na Chi, marami lang akong iniisip” Sagot naman niya.
“Di bale Tito, ipagluluto ko kayo ng masarap na hapunan at tiyaka ipaghahanda ko kayo ng beer mamaya para mawala na yang init ng ulo niyo” Nakangiti akong humarap sa kanya at pursigidong pinapagaan ang kanyang loob.
“Salamat” Matipid na sagot nito at dumampi ang kanyang palad sa aking hita. Pinisil niya ito na siyang nagpauwang sa aking bibig. Nagpakawala ako ng mahinang paghinga at napakagat sa aking labi. Malagkit ang tingin sa akin ni Tito na para bang anumang oras ay handa niya na kong lapain.
Ngunit ako’y nahimasmasan ng nauna siyang bumaba ng sasakyan.
“Wag mo kong subukan Tito Diego dahil hindi ako magdadalawang isip na kumagat sa mga pain mo” bulong ko sa aking sarili.
❤️❤️❤️ aa!! Kailan nya matitik man si tito Diego? >.<
ReplyDelete