Nang makita ako ni Jako ay agad itong tumakbo sa kinatatayuan ko. Bakas ang pag aalala sa kanyang mga mata, mukhang kanina pa siya nag aabang sa tapat ng aming gate. Yumakap ito nang mahigpit sa akin at tiyaka marahang hinawakan ang aking mga pisngi. Nanatili namang blanko ang mukha ko, parang tuod na nanigas sa aking puwesto, tumitig ito sa akin at pilit na inusisa ang mga lungkot na nakatago sa likod ng aking mga mata.
“San ka ba galing?” Matipid niyang tanong habang nakakunot ang noo. Umiling lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Para akong isang syota na ibig mag pasuyo sa kanyang nobyo. Sinundan lamang niya ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming gate. Humawak ito sa aking braso at iniharap ang katawan ko sa kanya.
“Chino, may problema ba?” Mababa ang boses ni Jako. Ramdam ko sa kanyang pananalita ang labis na pag aalala at pagkalito sa aking inaakto. “Nakita kita kanina habang naglalaro ako pero nang matapos ang game ay di na kita mahanap” dagdag niya.
Inabot ko ang energy drink na nasa kamay ko at akmang tatalikod na sana nang bigla niya kong hilahin pabalik at marahas na halikan. Agad akong umatras sa pagkakalapat ng aming mga labi sa takot na may makakita sa amin. Namiss ko ang mga labi ni Jako, kahit mabilis ang halik na iyon ay naging masarap pa rin ang hagod niya, kaya ito ako ngayon tila handa na ulit makipag lampungan sa kanya.
“Chino” bulong niya sa aking tenga at bumaba ang kanyang kamay sa matambok na pisngi ng aking puwet. Napahawak ako sa kanyang matigas na dibdib at tumingila sa kanyang mukha. Malagkit ang aming tingin sa isa’t isa, parang ano mang oras ay handa nang magniig ang aming mga katawan.
“Pano pag nalaman ‘to ng syota mo?” Tanong ko sa kanya habang lumilibot ang aking mata sa paligid ng aming kinapupwestuhan. May mga paisa-isang taong dumaraan pero hindi masyado kita ang aming puwesto dahil sa malaking puno ng mangga na humaharang sa amin.
“Syota? Wala akong nobya, Chino” Nalilitong sagot ng binata habang unti unting nabubuo ang mapangasar na ngiti sa kanyang labi.
“E sino yung babaeng hinalikan mo sa ulo kanina pagkatapos ng laro?” Naguguluhan kong tanong. Kung hindi niya nobya ‘yon ay ba’t ganon na lamang sila kadikit sa isa’t isa? Hindi naman sa nanghihimasok ako sa buhay ni Jako pero aminin ko man o hindi ay nakakaramdam ako ng selos.
“Si Erika? Bunsong kapatid ko ‘yon” Sagot ni Jako. Ngumisi ito at tiyaka inilapit ang mukha sa mukha ko. “Nagselos ka ba?” Mapang akit niyang tanong at muling umakyat ang kanyang mga kamay sa aking bewang. Inirapan ko lamang siya at natawa kaming dalawa.
“Ikaw ang una kong hinanap pagkatapos ng laro” Mapang akit niyang bulong sa akin. Marahan niya akong isinandal sa likurang bahagi ng puno at doon ako siniil ng mga halik na puno ng pagnanasa at pananabik. Ang mga kamay ko naman ay walang pakundangan na pumasok sa loob ng kanyang jersey. Dinama ko ang bawat pagkakahulma ng kanyang mga nagtitigasang pandesal pataas sa kanyang matipunong dibdib.
“Baka may makakita sa atin, Jako” ani ko habang nakikiliti sa kanyang bigote na kumikiliti sa aking leeg habang pinapapak niya ang aking labi pababa sa aking dibdib. Ang kanyang dalawang kamay ay swabeng nakapasok sa butas ng aking shorts at ngayon ay hawak ang magkabilang pisngi ng aking puwet. Walang sawa niya itong nilalamas habang masarap na nilalaplap ang aking mga labi na tila ba mamaga na sa kanyang pagka giyang.
Naputol ang mainit na pagkakalapat ng aming mga katawan nang marinig namin ang tunog ng motor na parating na akmang patungo sa bahay ni Lola.
Sa mahabang lamesa ay salo-salo kami sa pagkain ng hapunan. Halos lahat ng aming kapitbahay ay dito sa bakuran ni Lola nagdiwang ng piyesta. Ang iba ay kumakanta sa videoke habang kami naman ay abala sa pagtikim ng iba’t ibang potahe sa mesa. Katabi ko si Lola habang si Jako naman ay nasa tapat ko na katabi rin ang kanyang Lolo at Lola.
Kahit pinag gitnaan kami ng lamesa ay hindi pa rin nawala ang malagkit naming tinginan sa isa’t isa. Ramdam ko na nakatitig lamang ito sa akin habang binabanatan ko ang mga pagkain na nakahanda. Mukhang katawan ko lamang talaga ang makapagpapabusog sa kanya.
Ipinakilala ako ni Lola sa kanyang mga kaibigan sa simbahan. Napakarami nila at wala silang ibang pinagusapan kung hindi ang mga aktibidad na kanilang inihahanda para sa simbahan. Si Jako naman ang sunod na inusisa ng mga matanda, binati nila ito sa kanyang pagkapanalo sa liga. Nakangiti lamang ito na nagpasalamat, nakakapangakit talaga ang kanyang labi na para kay sarap lantakan.
Nag init ang aking sistema sa aking nasisilayan, unti unting dumaloy ang libog sa aking katawan. Inunat ko ang aking binti at itinaas papunta sa upuan ni Jako. Idinampi ko ang aking paa sa gitna ng kanyang shorts na siyang ikinagulat niya. Kita ko kung paano lumaki ang kanyang mga mata habang kinakausap ang mga matanda. Mapang akit kong hinaplos-haplos ang kanyang pagkalalaki gamit ang aking paa hanggang sa unti unti ko na itong naramdaman na tumigas. Sa ibabaw ng lamesa ay walang reaksyon ang aking mukha na para bang walang kalaswaang nangyayari sa ilalim ng hapag.
Napapakagat si Jako sa kanyang labi habang namumuo ang mga butil ng pawis sa kanyang noo.
“Ayos ka lang ba, apo?” Tanong ng kanyang Lola. Ngumiti lamang ito at uminom ng tubig. Nang dumako ang atensyon ng mga matanda sa iba ay madiin nitong hinawakan ang aking paa at mas idiniin pa sa galit na galit niya ng tarugo. Kahit mata lang namin ang naguusap ay sapat na ito upang paliyabin ang init na dala ng aming kalibugan.
“O Diego, nariyan ka na pala” Bati ni Lola kay Tito Diego. Napaayos ako ng upo nang marinig ko iyon.
Umupo sa lamesa ang maskuladong barako na ang suot ay hapit na hapit na puting t-shirt. Bakas sa kanyang pang itaas ang pagka prominente ng kanyang dibdib at kalakihan ng mga braso. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinuon ang aking atensyon sa pag ubos ng aking pagkain nang biglang mag salita si Lola.
“Tiyaka nga pala Chino, sa Tito Diego mo muna ikaw titira at tutungo ang simbahan sa Bayan ng Andres sa makalawa.” Parehas kaming nagulat ni Tito sa kanyang sinabi.
“Ilang araw ho, Ma?” Tanong ni Tito. Hindi ko alam ang mararamdaman sa mga oras na ito, batid kong may bahid ng pagka ilang sa tanong ni tito.
“Mga dalawa hanggang tatlong linggo kami roon. Maraming planong aktibidad ang simbahan na doon gaganapin. Kung gusto mo naman Chino ay sumama ka na lang sa akin para naman-” Hindi pa man tapos magsalita si Lola ay umentrada na ko agad, hindi ko na inisip kong ano ang masasabi rito ni Tito Diego.
“Ayos na ko kay Tito Diego, Lola” Pilit ngiti kong tugon sa kanya. Nag aalalang tumingin ako kay Tito Diego at tumango lang ito sa akin.
“Mabuti kung ganoon.” Nginitian kami ni Lola at bumalik sa pakikipagusap sa kanyang mga kaibigan. Hindi na ko muling lumingon pa kay tito kahit alam kong nakatingin ito sa akin.
Pag tingin ko sa aking tapat ay wala na si Jako sa aking harapan kaya naisipan ko na rin tumayo at hanapin siya. Wala siya sa mga nagkakantahan sa bakuran, maging sa mga kalalakihan na nag iinuman ay hindi ko rin siya mahagilap. Sa uhaw kakaikot sa bahay ay dumiretso ako ng kusina upang kumuha ng malamig na tubig.
Walang tao sa loob at patay din ang ilaw sa sala, ang lahat ay nagkakasiyahan sa bakuran, patunay na masaya ang komunidad ng San Luis. Kinuha ko ang pitsel sa loob ng ref nang marinig ko ang boses ni Tito Diego.
“May yelo pa ba jan, Chino?” Tanong niya. Tumango naman ako at kinuha ang yelo. Walang salita ang lumabas sa aking bibig dahil hindi pa ‘rin nag po-proseso ang mga sinabi ni Lola kanina. Paano kami magsasama sa iisang bubong ni Tito Diego, baka tuluyang lumabas ang pagnanasang itinatago tago ko.
Iniabot ko ito sa kanya at agad na tumalikod. Inabot ko ang baso sa taas ng lababo nang bigla kong maramadaman ang mainit na laman na kumikiskis sa aking likuran. Nanigas ako sa aking puwesto, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ang libog ko sa kanya na nabitin at naipon ay para bang gustong kumawala sa loob ng aking katawan.
“Padaan” bulong niya. Hindi naman masikip ang kusina upang maglapat ang maskulado niyang katawan sa nagiinit kong kalamnan. Inabot niya ang shot glass sa lagayan ng mga baso at bumalik sa bakuran.
Ako naman ay naiwang tulala sa kusina, pinaghalong pagpipigil, pagnanasa, at libog ang sumakop sa buo kong isipan.
Comments
Post a Comment